Home NATIONWIDE LTFRB naglabas ng 1,500 special permits para sa holiday bus rush

LTFRB naglabas ng 1,500 special permits para sa holiday bus rush

308
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng humigit-kumulang 1,500 special permits mula Disyembre 15 hanggang Enero 16 upang matugunan ang mataas na pangangailangan ng mga bus ngayong Pasko, ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Dagdag pa ni Lopez, nagdagdag din ng TNVS sa mga paliparan upang masiguro na may masasakyan ang mga pasahero na darating at aalis.

Ayon sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX), inaasahang mahigit tatlong milyong pasahero ang dadaan sa terminal ngayong holiday season.

Ipinagutos ng DOTr sa LTFRB na parusahan ang taxi at TNVS drivers na nagkakansela ng booked trips ng pasahero, kahit pa dahilan ay mabigat na trapiko o malayong biyahe. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here