Home ENTERTAINMENT Derek, pinuno ng mga halaman ang bahay!

Derek, pinuno ng mga halaman ang bahay!

331
0

Manila, Philippines – “New plants, fresh start!”

Ganito kaikli ang caption ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram Stories showing the new, verdant look of his house in Ayala Alabang.

Tiniyempo ni Derek na iba ang hitsura ng kanyang tirahan sa pag-aalsa-balutan ng asawang si Ellen Adarna.

Since their marriage, doon nakatira si Ellen kasama si Elias–her son by John Lloyd Cruz–until she gave birth to Baby Lili, anak nila ni Derek.

New look ngang matatawag ngayon ang bahay dahil kahit saan ka tumingin ay malamig sa mata ang mga halaman all over.

Meron sa kanto ng mahabang hagdan bago ka pumanhik.

Meron ding mga halaman sa lanai.

There are also plants in the receiving room, at meron din hanggang kusina.

Gabi ng December 2 nang mag-alsa-balutan si Ellen na nabalitang may dala-dalang 11 suitcase o maleta which her friends helped her fix.

Sa nilipatan naman niyang bahay, nag-post si Ellen ng malawak na bakuran na tadtad din ng damo’t mga flower-bearing plants.

In-unbox din niya ang brandnew refrigerator.

May kuha din sila ng close friend na si Beauty Gonzales with daughter Olivia.

Left alone, tiyak na maninibago si Derek na inaasahang masasanay din kinalaunan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here