Home ENTERTAINMENT Socmed joke ni Pokwang, sablay!

Socmed joke ni Pokwang, sablay!

314
0

Manila, Philippines – Pinaninindigan talaga ni Pokwang ang pagiging komedyana niya even in real life.

‘Yun nga lang, maligamgam ang naging pagtanggap sa kanyang social media joke.

Worse, umani pa siya ng batikos.

Ganito kasi ang joke na ipinost ng TV host-comedienne:

“Ano ang tawag sa dyowa ng athlete na laging nakasunod?” na siya rin ang sumagot.

“Ano? Eh, ‘di athlete’s foot! Ngeee…acheche!”

Most if not all netizens find Pokwang’s joke corny as it is shady.

Obyus daw kasing wala naman siyang ibang pinatutungkulan kundi si Chloe San Jose na nobya ni Carlos Yulo.

Umabot pa nga sa point na pinaratangang ipokrita si Pokwang.

Siya raw kasi dapat ang maka-relate sa sitwasyon ni Chloe base sa naging nakaraan nila ni Lee O’Brian with whom she was deeply in love.

Ano raw ang kaibahan nila ni Chloe noong time na lukang-luka siya kay Lee?

Is it because naka-move on siya from her tragic past?

Duda naman ang mga netizens kung ganoon na nga, dahil huwag lang makakabasa si Pokwang ng mga posts about Lee ay kumukulo ang dugo niya.

Whatever, mas maraming sang-ayon na sablay si Pokwang sa pagpapatawa sa kanyang social media joke.

And it’s not a joke! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here