
MANILA, Philippines – Hindi pinagpawisan si Sammy Sy ng PSB-Henrich-Viking sa pagsungkit ng korona sa Mixed Open Senior Masters ng 2nd Remate Open Championships na ginaganap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City

Itinarak ni Sy ang ang 1,966 points upang magaang kunin ang panalo at maibulsa ang tumataginting na na P60,000 champion cash prize.
Tinanggap ni Sy ang award mula kina World Bowling Hall of Famer, 6-time World Bowling Champion at Remate Ambassador Rafael “Paeng” Nepomuceno at Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association (MTBA) President Benny Antiporda.
Natangay naman ni International bowler at pambato ng MTBA-Remate na si Benshir Layoso ang 1st runner-up crown na may kaakibat na P30,000 cash prize at trophy.
Umiskor si Loyoso ng 1,812 points para ma-secure ang 1st runner-up podium finish ng prestihiyosong palaro.

Tumipa rin si Jun Mayao (PSB) ng 1,796 points upang matangay ang 2nd runner-up crown na may premyong P15,000 at trophy.

Hinirang naman si George Mañozo (SLETBA) bilang 4th runner-up at tumanggap ng halagang P8,000 matapos pumuntos ng 1,778 na kaparehong puntos ng tumayong 5th runner-up na mula sa PTBA na si Larry Clemente na nag-uwi ng P5,000 cash prize.
Nagpasikat din sina Jay Catolico (PSB-Lions), Paeng Nepomuceno (PBG-Remate) at Ferdie Co (PTBA) na hinirang na 6th, 7th, 8th runners-up, ayon sa pagkakasunod-sunod, na may premyong tig-P4,000.
Nagpapasalamat ang organizers ng 2nd Remate Open Championships sa walang sawang suporta ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) upang maging matagumpay ang event.






