Home ENTERTAINMENT Partnership ng ABS-CBN sa TV5, tapos na; Sa GMA7, tatapusin na rin?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Partnership ng ABS-CBN sa TV5, tapos na; Sa GMA7, tatapusin na rin?December 8, 2025 21:353950 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nakakalungkot na magtatapos na ang partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 sa January 2, 2026.Ito’y dahil sa utang ng Kapamilya network sa kumpanya ni MVP o Manny V. Pangilinan.In-assure naman ng pamunuan ng ABS-CBN na ginagawa nila ang lahat ng paraan para matugunan ang kanilang pagkakautang.Dala na rin daw kasi ‘yon ng kawalan nila ng prangkisa na sumabay pa sa pananalasa ng pandemya noong 2020.Sa kabila nito’y kahit mawawala ang mga tinatangkilik na ABS-CBN shows sa TV5 ay may mga bagong programang hatid ang Kapatid network.Kabilang dito’y ang seryeng A Secret in Prague na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil.Kaabang-abang din ang pagbabalik ni Derek Ramsay kasama si Piolo Pascual sa seryeng The Kingdom.Magbabalik din sa ere ang Artista Academy na ongoing na ang auditions para sa mga nangangarap maging artista.Ito y para magkaroon na rin ng homegrown talents ang TV5–dahilan kung bakit kinuha nito ang serbisyo ni Mr. M o Johnny Manahan.May collab din between TV5 at Viva TV.Balitang interesadong magprodyus ang Viva ng mga shows sa TV5 pero wala pang bakanteng time slot sa ngayon.With the end to the ABS-CBN and TV5 partnership, ano ang assurance na hindi ito mangyayari with GMA lalo’t sa huli umeere ang It’s Showtime?Abangan! Ronnie Carrasco III