Home OPINION DUAL CITIZENSHIP SA US, HUWAG BASTA MAG-RENOUNCE NG FILIPINO CITIZENSHIP

DUAL CITIZENSHIP SA US, HUWAG BASTA MAG-RENOUNCE NG FILIPINO CITIZENSHIP

328
0

NAGLABAS ng paalala ang Philippine Embassy sa Washington D.C., United States para sa Filipino-American commu­nity na huwag magmadaling mag-renounce ng kanilang Filipino ci­tizenship, dahil hindi pa isang batas ang panukalang naglalayong ta­pusin ang dual citizenship sa US.

Ang paalala ay bilang tugon sa “Exclusive Citizenship Act of 2025” na inihain ni US Senator Bernie Moreno. Layunin ng panukalang batas na ipagbawal ang sabay na paghawak ng US citizenship at citizenship ng ibang bansa.

Ayon sa embahada, nasa antas pa lamang ng panukala ang naturang bill at daraan pa ito sa mahabang proseso sa Kongreso ng US. Posibleng maisabatas ito ngunit posible rin na hindi.

Binigyang-diin ng embahada na maraming naunang pagta­tangka para tuluyang wakasan ang dual at multiple citizenship sa US ang hindi nagtagumpay.

Sinabi pa ng embahada, mahalagang balikan ang kasong “Kawakita versus US,” kung saan kinilala mismo ng US Supreme Court na ang dual citizenship ay isang “status long recognized by law.”

Ayon sa Korte, maaaring mag­karoon at magamit ng isang tao ang dalawang nasyonalidad at gampanan ang mga obligas­yon sa parehong bansa.
Mariing binigyang-diin ng em­bahada na ang pag-renounce ng Filipino citizenship ay hindi na maaaring balikan o bawiin. Isa itong permanenteng hakbang na may malaking epekto sa karapatan at pagmamay-ari sa Pilipi­nas.

Tiniyak ng embahada na na­katutok ang mga Philippine Fo­reign Service Posts sa US sa pag-usad ng panukalang batas at hinihikayat nila ang komunidad na manatiling updated.

Ang panukalang batas ni se­nator Moreno ay nagsasaad na:

– Pagbabawal sa dual citizenship.

– Ang sinomang US citizen na kusang kukuha ng foreign ci­tizenship ay ituturing na kusang nag-renounce ng US citizenship.

– Ang mga US citizen na may ibang citizenship ay bibigyan ng isang taon para magbigay ng written renunciation ng foreign citizenship o mag-renounce ng US citizenship.

– Ang hindi susunod ay awtomatikong mawawalan ng US citizenship at ituturing na alien sa ilalim ng immigration laws.

Ang Pilipinas alinsunod sa Republic Act No. 9225 ay nagpapahintulot sa mga former Fi­lipinos na muling makuha ang kanilang citizenship nang hindi isinusuko ang iba pa nilang nas­yonalidad.

Batay sa datos, tinatayang nasa pagitan ng 4.1 million hang­gang 4.6 million na Filipino-Americans kung saan pinakamarami sa California, Hawaii, Texas at Washington, D.C.

Ilan naman sa mga bansang maluwag na tumanggap ng dual citizenship ang Argentina, Australia, Belgium, Brazil, Ca­nada, France, Germany, Ireland, Italy, Mexico, New Zealand, Por­tugal, South Africa, South Korea, Switzerland, Turkey, at United Kingdom.

Hindi naman pinapayagan ang dual citizenship sa China, India at Kingdom of Saudi Arabia, habang sa Japan at Singapore ay kinakailangang pumili pagda­ting ng adulthood.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here