Home NATIONWIDE Isa pang bagyo mananalasa sa Pinas bago 2026

Isa pang bagyo mananalasa sa Pinas bago 2026

527
0
(Photo Representation Only)

MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA na posibleng may isa pang tropical cyclone na papasok sa Philippine Area of Responsibility bago matapos ang 2025.

Sinabi ni Ana Liza Solis mula sa PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section na umabot na sa 23 ang bagyong tumama sa bansa ngayong taon, lampas sa karaniwang 19–20, dahil sa La Niña.

Inaasahang magpapatuloy ang kasalukuyang La Niña hanggang sa unang kalahati ng Pebrero 2026, kaya pinayuhan ang lahat na mag-ingat lalo na sa silangang bahagi ng bansa.

Ang huling bagyong tumama, si Wilma, ay umabot sa tropical depression bago humina at naging low-pressure area.

Tumama ito sa Dolores, Eastern Samar, na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Visayas, kabilang ang Balamban, Cebu. Ramdam din ang malakas na hangin sa Western Visayas, habang ang patuloy na ulan mula sa shear line ay nagdulot ng overflow sa spillway sa Viga, Catanduanes.

Iniulat ng NDRRMC na apektado ang 57,594 na pamilya o 132,849 katao dahil kay Wilma, Amihan, at shear line. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here