Home NATIONWIDE Hirit ng Duterte camp na pagbasura sa ICC jurisdiction, pinababasura

Hirit ng Duterte camp na pagbasura sa ICC jurisdiction, pinababasura

205
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng ICC Office of the Prosecutor at Office of Public Counsel for Victims (OPCV) ang Appeals Chamber na ibasura ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa hurisdiksyon ng ICC sa kanya.

Ayon sa parehong opisina, hindi pinatunayan ng apela ni Duterte ang anumang legal na pagkakamali sa desisyon ng Pre-Trial Chamber I noong Oktubre na nagpapatibay sa hurisdiksyon ng Korte.

Ipinahayag ng depensa ni Duterte ang apat na dahilan ng apela, kabilang ang interpretasyon sa Rome Statute at saklaw ng preliminary examination, at hiniling ang agarang pagpapalaya sa kanya. Sinabi ng Prosecutor at OPCV na paulit-ulit lamang ang mga argumento at nagpapakita ng hindi pagkakasundo kaysa sa legal na pagkakamali. Binanggit din ng OPCV na kusang sumuko ang Pilipinas kay Duterte nitong nakaraang taon, na nagpapakita ng patuloy na pagsunod sa obligasyon sa ICC.

Haharapin ni Duterte ang paglilitis sa ICC kaugnay ng umano’y krimen laban sa sangkatauhan na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra iligal na droga noong kanyang termino bilang Pangulo at Mayor ng Davao City. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here