Home NATIONWIDE Lisenya ng 3 motoristang nagkakarerahan, naaksidente sa QC, sinuspinde

Lisenya ng 3 motoristang nagkakarerahan, naaksidente sa QC, sinuspinde

245
0

MANILA, Philippines – Iniutos ng Land Transportation Office (LTO) ang 90-araw na preventive suspension sa mga lisensya ng tatlong motorista na sangkot sa aksidente sa Quezon City matapos umanong magkarera ng kanilang mga SUVs.

Sangkot dito ang Toyota Fortuner, Ford Raptor, at Toyota Hilux.

Binigyan din ng show cause orders ang mga drayber at may-ari ng sasakyan upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa reckless driving at pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Nangyari ang aksidente noong Lunes ng madaling araw sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Barangay Kalusugan, nang masalpok ng Fortuner ang isang motorsiklo habang counter-flowing.

Ang Ford Raptor, na tila humahabol sa Fortuner, ay biglang nagpreno para iwasan ang rider, ngunit binangga naman ito sa likuran ng Hilux.

Nahaharap sa karagdagang kaso ang drayber ng Fortuner para sa pagmamaneho laban sa daloy ng trapiko.

Ipinaglagay sa LTO alarm ang tatlong SUVs upang hindi maisagawa ang anumang transaksyon sa mga sasakyan hanggang matapos ang imbestigasyon.

Paalala ni LTO chief Markus Lacanilao, ang reckless driving ay naglalagay sa panganib ng buhay ng iba at maaaring magresulta sa pagkakakansela ng lisensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here