MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ng pulisya sa Naga City ang live-in partner ng isa sa magkapatid na biktima na natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar noong Linggo.
Si Claudine, isa sa biktima, ay natagpuang putol ang kanang braso at maraming sugat, habang si Mae, kapatid niya, ay natagpuang nakabalot sa kumot, nakatali ng electrical wire, at may saksak sa dibdib.
Tinitignan ang krimen bilang isang crime of passion at tinukoy ang isang alyas Mar, 35 na pangunahing suspek.
Tiniyak ni Police Regional Director Brig. Gen. Erosito Miranda na susundan ng awtoridad ang lahat ng lead para mahuli ang suspek.
Nanatiling nasa labas ang suspek, bagama’t sinabi ng kanyang mga magulang na nagpadala siya ng mensaheng may pag-aalala. RNT