Home NATIONWIDE Vietnamese na panggap na doktor, arestado sa QC

Vietnamese na panggap na doktor, arestado sa QC

227
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Vietnamese national at kanyang katulong dahil sa pagpapatakbo ng umano’y ilegal na cosmetic clinic sa mga condominium units sa Manila at Quezon City.

Nasakote ang mga ito matapos ang isang entrapment operation at reklamo ng isang concerned citizen, kung saan tinanggap ng suspek ang bayad para sa rhinoplasty procedure.

Ayon kay NBI–Dangerous Drugs Division Chief Atty. Jonathan Galicia, nag-aalok ang klinika ng cosmetic surgery, skincare procedures, at mga gamot na hindi aprubado ng FDA, at may mga naunang pasyente na nagreklamo ng depekto at impeksyon.

Ayon sa ulat, umaabot sa PHP 90,000 bawat procedure ang sinisingil ng mga suspek. Ito ang ikalawang pag-aresto sa kanila ngayong taon, at limang Vietnamese nationals na ang nahuli sa 2025 sa umano’y pagpapanggap bilang doktor.

Binigyang-diin ni Galicia ang panganib ng mga walang lisensyang klinika at nagpayo na maging maingat at pumili lamang ng lisensyadong doktor.

Hinaharap ng mga suspek ang kaso sa Illegal Practice of Medicine at paglabag sa FDA Law at Philippine Pharmacy Act. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here