Home SPORTS PH men’s football team swak sa semis

PH men’s football team swak sa semis

228
0

TUMAAS ang tsansa ng Pilipinas na magkamedalya matapos talunin ang reigning champion Indonesia, 1-0, sa 33rd Southeast Asian Games.

Dahil sa panalo, na-sweep ng national squad ang group stage sa 700th Anniversary Stadium sa Chiang Mai sa Thailand.

Si Otu Banatao ang nagbigay ng tanging goal bago mag-halftime sa tulong ni Sandro Reyes.

Dahil dito, nakuha ng Pilipinas ang top seed sa Group A at ang direktang tiket patungong semifinals, ang unang Final Four appearance ng bansa mula nang gawing Under-22 ang torneo noong 2017.

Huling nakapasok ang Pilipinas sa semifinals noong 1991 Manila SEA Games, noong senior squads pa ang lumalahok.

Hanggang ngayon, wala pang medalya ang Pilipinas sa men’s football sa SEA Games at umaasa ang koponan na mababago na ang kasaysayan ngayong 2025 edition.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here