Home NATIONWIDE Rep. Yamsuan humiling ng agarang pagpasa ng multi-hazard mapping act

Rep. Yamsuan humiling ng agarang pagpasa ng multi-hazard mapping act

223
0

MANILA, Philippines – Panahon na upang ang bawat siyudad munisipalidad sa bansa ay magkaroon ng malinaw na regular updating at hazard maps.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 4305  o panukalang Multi-Hazard Mapping Act na pangunahing isinusulong ni  Parañaque 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan na ang layunin ay maipatupad ng gobyerno ang science-based strategies upang tugunan ang impact ng natural disasters.

Sa ganitong paraan din ay mabigyan ang komunidad na karaniwang sumasagupa sa mga bagyo ng bakahin ang epekto dulot ng mga kalamidad.

Ayon kay, kabilang kay Yamsuan ang science-based measures ay ang paglalatag ng  updated hazard maps gamit ang pinakabagong teknolohiya at infrastructure at nature-based solutions para sa  disaster risk reduction.

“The recent destruction wrought by typhoons Uwan and Tino and the strong earthquakes that shook the Visayas and Mindanao,  have overwhelmed frontline responders and strained government resources. These disasters that were once rare but now appear to be coming one after another highlight the need for better planning and preparedness,” ani Yamsuan.

Paliwanag ng kongresista na sa dami ng kalamidad at halos palagian na dinaranas na epekto at danyos ay kailangang gugulan o gastusan ang komprehensibong “disaster risk reduction strategy.”

Ani Yamsuan, ang pamalaging inihahanda ng gobyerno ay ang paglilikas at pamamahagi ng relief supplies para mabilis na maihatid sa mga nasalanta ngunit kulang pa rin aniya ito.

“Usually ang preparations natin kapag may padating na disaster are evacuation and pre-positioning of  relief supplies para mabilis na maihatid sa mga nasalanta. Pero kulang pa rin.  Lalo na ngayon na ‘yung mga komunidad  na dati  naman  ay hindi nakakaranas ng bagyo at yung mga lugar na dati namang hindi binabaha, kasama na ang mga evacuation centers, ang siya nang hinahagupit ng mga kalamidad na dinadanas natin,” ayon kay Yamsuan.

Biigyang diin pa ng kongresista na ang inihain niyang panukala ay pagpapatibay sa  Project Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) na gumagamit ng LiDAR (Light Detection and Ranging) scanning upang maagang malaman ang mga mapanganib na lugar at mailagay ang 3-D models upang magkaroon ng maagang kaalaman ukol sa pagbaha at sa mga daraanan nito.

Nakapaloob din sa panukala ang pagtulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang makabuo at mapanatili ang hazard maps sa pakikipagtulungan sa local government units (LGUs). (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here