Home OPINION IMPEACHMENT, KORAPSYON AT KREDIBILIDAD

IMPEACHMENT, KORAPSYON AT KREDIBILIDAD

322
0

KABILANG sa pinakamalalaking katanungang pulitikal at panlipunan ngayon ang nilulutong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at nakabibinging pananahimik ng mga kongresman sa korapsyon, lalo na sa kanilang hanay, at sa kanilang mga kaalyado, kasama ang nasa Palasyo.

Maingay pa sa nabulabog na mga unggoy ang mga nagluluto ng impeachment laban kay VP Sara.

Kung hindi i-refile o itutuloy ng dating mga grupo ang kanilang impeachment, ito namang mga militanteng grupo at ka-taktikal alyado nila sa Kamara, ang magsasampa ng bagong kaso.

Ibinasura ng Supreme Court ang naunang impeachment dahil labag iyon sa one-year ban rule at sa due process dahil hindi nabigyan si VP Sara ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili sa Kamara mismo.

Habang ikinakasa ang panibagong impeachment, napakalaking katanungan ang hindi man lang pagkilos ng mga nagluluto nito na mag-imbestiga sa daan-daang bilyon o trilyong anomalya sa flood control na kinasasangkutan umano mismo ni Pang. Bongbong na kanilang kaalyado.

Ni isang daliri nila ay walang makikitang idinadalirot sa sobrang korapsyon at ang katiting na halagang ibinibintang nila kay VP Sara ang pinalolobo nang husto.

Nawawalan tuloy ng kredibilidad ang sinomang mang-i-impeach kay VP Sara dahil sa tila ganap nilang pagtalikod sa katotohanang malaki pa sa Sierra Madre ang korapsyon na gawa mismo sa Kamara at Palasyo.

Kabilang sa sobrang korapsyon ang pagtanggal ng dalawang taong pondo ng PhilHealth at paglalagay nito sa umano sa flood control projects na may mga kikbakan.

May katotohanan din ang P100B insertion ng Palasyo, ayon na rin sa mga panimulang pag-aaral mismo ni Senador Ping Lacson.

At pinirmahan ng Palasyo ang tatlong nakalipas na taong General Appropriations Act na may mga bilyon-bilyong insertion con bilyon-billyong kikbak mula 2023 hanggang 2025, batay na rin sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee at mga pahayag ni Zaldy Co.

Say n’yo, mga brad?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here