Home NATIONWIDE Mag-utol na 16 at 18-anyos, timbog sa online sexual exploitation

Mag-utol na 16 at 18-anyos, timbog sa online sexual exploitation

291
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng awtoridad ang dalawang magkapatid na tinedyer sa Davao Oriental dahil sa diumano’y online sexual exploitation ng mga bata.

Nahuli ang 16 at 18 taong gulang na suspek habang inaabuso ang mga biktimang may edad siyam hanggang 14 sa kanilang bahay.

Pitong menor de edad at isang 18-anyos ang nailigtas, habang tatlong batang may edad isa hanggang apat na itinuturing na nasa panganib ay inalagaan ng mga social worker.

Ayon sa Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC), pinapagawa ng mga suspek sa biktima ang mga sexual act habang nagre-record ng video, livestream, at kumuha ng litrato.

Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng ground surveillance matapos ang referral mula sa Australian authorities, at isa pang suspek ang kalaunan ay naaresto kaugnay ng operasyon.

Sinabi ng mga imbestigador na kumikita ang mga suspek ng P100 hanggang P1,000 kada akto at sinasabi sa kanilang mga magulang na mula sa online gaming ang kanilang kita.

Umabot sa P385,000 ang kabuuang kinita mula sa online sexual exploitation. Humaharap ang mga suspek sa kasong online sexual abuse o exploitation of children at wala pa silang pahayag tungkol dito. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here