Home NATIONWIDE MMDA sinita ng COA sa ‘di nagastos na P1B pondo

MMDA sinita ng COA sa ‘di nagastos na P1B pondo

283
0

MANILA, Philippines – Sinita ng Commission on Audit ang Metropolitan Manila Development Authority dahil sa hindi paggamit ng mahigit P1 bilyon ng kanilang badyet noong 2024.

Ipinakita ng audit report ng COA na 75.25% lamang ng kabuuang allotments at 82.42% ng obligated funds ang na-disburse. “Out of the total authorized budget of P11,818,903,169.59… P10,790,526,587.27 or 91.30 percent was obligated, leaving an unobligated balance… P1,028,376,582.32,” ayon sa ulat.

Inihayag ng COA na sanhi ng mababang paggamit ng badyet ang pagkaantala sa mga proyekto at proseso ng procurement, at binalaan na ang hindi nagamit na pondo ay dapat isauli sa National Treasury.

Kinailangan ng extension para sa ilang traffic management projects, habang 17 flood control projects ang may zero disbursement. 40.40% lamang ng secured loan para sa Phase 1 ng Metro Manila Flood Management project ang nagamit noong Oktubre 2024, na nagresulta sa P37.4 milyon na penalties mula 2018 hanggang 2024.

Kabilang sa iba pang problema ang P29.57 milyon na hindi nagamit, 40 incomplete na proyekto, limang proyekto na hindi nasimulan dahil sa failed bidding, P21 bilyon na delayed projects dahil sa mahinang koordinasyon at permit issues, at P30 milyon na hindi pa nababawi mula sa advance payments sa contractors.

Ayon sa MMDA, aaksyunan nila ang mga kakulangang ito at palalakasin ang monitoring, procurement, at inter-agency coordination. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here