Home METRO P2.24-M timbog sa Bacolod sting

P2.24-M timbog sa Bacolod sting

258
0

MANILA, Philippines – Nakahuli ang Bacolod City Police ng P2.24 milyong halaga ng shabu sa dalawang hiwalay na buy-bust operation ngayong linggo.

Sa Barangay 27, inaresto si alias “Ram,” 51, matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu sa undercover na pulis at nahulihan ng 14 sachet na may bigat na 100 gramo, tinatayang P680,000 ang halaga.

Nagang Dec. 7, inaresto naman si alias “Jessica,” 19, sa Barangay 8 at nahulihan ng 230 gramo ng shabu na tinatayang P1.564 milyon ang halaga.

Ginawa ang mga operasyon base sa tip mula sa mga kumpidensyal na informant.

Kakaharapin ng mga suspek ang kaso ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here