Home NATIONWIDE Pagkakulong sa Senado, kinuwestyon ni Curlee Discaya sa korte

Pagkakulong sa Senado, kinuwestyon ni Curlee Discaya sa korte

396
0

MANILA, Philippines – Naghain ang kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya ng petition for certiorari sa korte sa Lungsod ng Pasay upang kuwestyunin ang kanyang detensyon sa Senado, ayon kay abogado Cornelio Samaniego III.

Si Discaya ay nakakulong mula pa noong Setyembre 23, 2025, matapos siyang ideklara ng Senate Blue Ribbon Committee sa contempt dahil diumano ay nagsinungaling tungkol sa kawalan ng kanyang asawa, si Sarah Discaya, sa isang pagdinig tungkol sa anomalya sa flood control projects.

Una nilang inihain ang habeas corpus, ngunit pinayuhan ng korte na magsampa na lang ng certiorari.

Ang petition for certiorari ay layong itama ang kamalian sa hurisdiksyon o malalang abuso ng kapangyarihan ng mas mababang awtoridad.

Ayon kay Samaniego, kapag natapos ang mga pagdinig sa Senado, ang mga indibidwal na may contempt order ay dapat pakawalan.

Binigyang-diin niya na si Discaya at iba pa, kasama si Sarah Discaya at Maria Roma Angeline Rimando, walang balak tumakas sa mga awtoridad, at dumadalo sa lahat ng pagdinig sa Senado, Lower House, Independent Commission for Infrastructure, at Department of Justice.

Ang mga Discaya ay iniimbestigahan dahil ang kanilang mga construction firms, kabilang ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation, ay na-link sa anomalya sa mga flood control projects ng bansa, na nakakuha ng 20% ng mga proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here