MANILA, Philippines – Sarado ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila sa darating na pista opisyal ng Pilipinas at Amerika.
Ayon sa isang advisory, ang Visa Application Center nito sa Parañaque City ay magsasara rin sa mga sumusunod na petsa:
Disyembre 25 — Araw ng Pasko
Disyembre 30 — Araw ni Rizal
Disyembre 31 — Miyerkules
Enero 1, 2026 — Araw ng Bagong Taon
Enero 19, 2026 — Kaarawan ni Martin Luther King Jr.
Kaya naman, ang mga visa at American Citizens appointment ay hindi itatakda sa mga nabanggit na petsa.
“Ang mga appointment sa ibang mga petsa ay magpapatuloy ayon sa iskedyul, maliban kung may anunsyo sa pahinang ito at sa pamamagitan ng email sa mga indibidwal na kasangkot,” dagdag ng embahada. Jocelyn Tabangcura-Domenden