Home NATIONWIDE US Embassy sa Maynila sarado sa US at PH holidays

US Embassy sa Maynila sarado sa US at PH holidays

326
0

MANILA, Philippines – Sarado ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila sa darating na pista opisyal ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa isang advisory, ang Visa Application Center nito sa Parañaque City ay magsasara rin sa mga sumusunod na petsa:

Disyembre 25 — Araw ng Pasko

Disyembre 30 — Araw ni Rizal

Disyembre 31 — Miyerkules

Enero 1, 2026 — Araw ng Bagong Taon

Enero 19, 2026 — Kaarawan ni Martin Luther King Jr.

Kaya naman, ang mga visa at American Citizens appointment ay hindi itatakda sa mga nabanggit na petsa.

“Ang mga appointment sa ibang mga petsa ay magpapatuloy ayon sa iskedyul, maliban kung may anunsyo sa pahinang ito at sa pamamagitan ng email sa mga indibidwal na kasangkot,” dagdag ng embahada. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here