Home ENTERTAINMENT DTI Sec. Roque, nakakuha ng kakampi kay Imelda Papin!

DTI Sec. Roque, nakakuha ng kakampi kay Imelda Papin!

409
0

Manila, Philippines – Kung may nagsasabing hindi raw nila kayang pagkasyahin ang halagang P500 para sa isang Noche Buena, kabaligtaran naman ito sa opinyon ng singer na si Imelda Papin.

Naniniwala si Imelda na kayang pagkasyahin ang naturang halaga para sa pamaskong handa ng pamilyang Pilipino.

“Oo naman! Depende kasi sa bibilhin mo ‘yun, eh. Halimbawa, dalawa lang kayo sa pamilya, siguro P200 to P300 ang sapat na ‘yun, di ba? Pero kung kayo ay sampu, dagdagan mo pa ng P500 ‘yun. Huwag na natin isipin na hindi kasya. Pagkasyahin na natin,” sabi pa ni Imelda.

Hanggang ngayon, usap-usapan pa rin ang P500 Noche Buena challenge ni DTI Sec. Cristina Aldeguer Roque.

Naitanong din kay Imelda kung ano ang masasabi niya sa maraming kapwa celebrities niya na nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong na “big fish” na politiko dahil sa korapsyon.

“May proseso po, may proseso. Hayaan natin ang proseso ang gumawa ng solusyon tungkol dito, and I’m pretty sure 100 percent, kung sino po ang nagkasala diyan ay mayroon pong makukulong.

“Naniniwala ako, konting patience lang po, ipagdasal na lang natin na magawan ng paraan ‘yan,” saad pa ng nag-iisang Imelda Papin.

Sa kasalukuyan, Board Member si Imelda sa PCSO.

Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here