Home NATIONWIDE Malakanyang blangko pa rin sa ICC arrest warrant vs Bato

Malakanyang blangko pa rin sa ICC arrest warrant vs Bato

247
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na wala pang opisyal na impormasyon ukol sa umano’y pagpapalabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng crimes against humanity na iniuugnay sa drug war ng nakaraang administrasyon.

“Kung mayroon silang alam, ‘di ipagbigay-alam nila sa lahat. Sa ngayon ay wala pa pong kumpirmasyon kung mayroong natanggap na abiso patungkol sa existing warrant of arrest,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang.

Ang pahayag na ito ni Castro ay tugon sa sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na nagpalabas na umano ang ICC ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa.

Sinabi ni Castro na dapat hintayin ng publiko ang anumang opisyal na aksyon ng ICC.

“Sa ating pagkakaalam, even the ICC could not confirm the issuance of the said warrant of arrest,” ani Castro, sabay sabing, “So, hintayin na lamang po natin kung talagang magkakaroon ng issuance ng warrant of arrest ang ICC.”

Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa ito nakatatanggap ng anumang impormasyon sa kinaroroonan ni Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay nagsilbi bilang national police chief sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hinggil naman sa naging public advice ni Sen. Robin Padilla kay Dela Rosa na huwag sumuko sa foreign authority, sinabi ni Castro na makabubuti na sumunod ang dating PNP chief.

“Ang mensaheng ganiyan ay nagpapakita lang ng mga taong ayaw sumunod sa batas,” ani Castro.

“Kapag po naman may valid warrant of arrest, alam natin kung ano ang dapat gawin. Hindi po dapat ina-advise na magtago at hayaang pulis na lamang ang humanap sa kanila dahil trabaho nila ito. Mas magandang ibigay natin na advice ay sumunod sa batas,” dagdag pa niya. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here