
MANILA, Philippines – Tinapos ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang 2025 Navotas Education Summit sa panawagang ang bagong henerasyon ng mga mag-aaral ay “mangarap nang may katapangan, kumilos nang responsable, at mag-angat sa kanilang komunidad,” na binigyang-diin na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang sa akademiko kundi sa pagiging mahabagin at produktibong mamamayan.
“Hindi lang sila magiging competitive. Magiging mabubuti at produktibong tao sila. At iyan ang tunay na tagumpay,” wika ni Tiangco sa mga guro, magulang, at lider ng komunidad sa Navotas Convention Center.






