Home METRO Lalaki natagpuang patay sa Tanay

Lalaki natagpuang patay sa Tanay

308
0

RIZAL, Philippines – Natagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na wala ng buhay sa kahabaan ng Sampaloc Road, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Ang biktima ay natagpuang nakabalot ang ulo ng masking tape at nakatali ang kamay.

Ayon sa Tanay Municipal Police Station (Tanay MPS), nadiskubre ang katawan bandang 8:30 a.m. noong Sabado, Disyembre 7, ng isang grupo ng kaibigang nagjo-jogging sa lugar.

Inilarawan ng mga awtoridad ang biktima bilang may medium build, 5’7” ang taas, tinatayang nasa 45 hanggang 50 taong gulang, at nakasuot ng gray na long-sleeved shirt at dark gray na pantalon.

Ayon sa mga nakakita, ang katawan ay nakahandusay sa damuhan sa gilid ng kalsada, kaya agad nilang ini-report sa pulisya.

Agad namang nagtungo ang Tanay MPS sa lugar at humingi ng tulong mula sa Provincial Forensic Unit para sa teknikal na imbestigasyon.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at tinutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here