MANILA, Philippines – Isinusulong nina Abra lone district Rep. JB Bernos at Solid North Party-list Rep. Ching Bernos ang pagpasa sa panukalan magmamandato sa probisyon ng health maintenance organization (HMO) coverage sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan.
Inihain ng dalawang mambabatas ang House Bill No. 6512, o “TeachCare bill,” sa Kamara noong Disyembre 1 na magsisiguro sa kapakanan ng public school teachers na nahihirapan sa sobra-sobrang trabaho.
Sa ilalim ng panukala, ang mga guro na nagtrabaho sa pampublikong paaralan ng mahigit anim na buwan ay magkakaroon ng medical at dental HMO coverage bilang bahagi ng kanilang employment benefits.
Naglalayon nitong palawakin ang Executive Order 64, s. 2024, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbibigay ng taunang medical allowance na hanggang P7,000 sa government civilian personnel, kabilang ang public school teachers.
“Considering the demands required of them in the conduct of their duties, it is only right that we provide support to teachers through HMO coverage so they could look after their health without fear that doing so would further deplete their already meager salaries,” saad sa pahayag ni JB Bernos nitong Huwebes, Disyembre 11.
“If there is one sector deserving of added support through HMO coverage, it is that of our educators who put in long hours doing teaching and administrative duties, and go home to do more of the same,” dagdag pa nito.
“At risk po ang ating mga guro dahil sa kanilang trabaho, pero marami sa kanila ang pinipiling tiisin ang kanilang karamdaman dahil maaari nilang ikabaon sa utang ang dagdag na gastusin para sa kanilang kalusugan.” RNT/JGC