Home NATIONWIDE DOTR naglagay ng bagong lighting systems sa mga istasyon ng MRT-3

DOTR naglagay ng bagong lighting systems sa mga istasyon ng MRT-3

321
0

MANILA, Philippines – Naglagay ng lighting systmes ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng 13 MRT-3 stations sa gitna ng pagdagsa ng Pasko.

Sa pahayag na inilabas nitong Huwebes, Disyembre 11, ang naging hakbang na ito ay ginawa upang madagdagan ang kaligtasan at accessibility para sa mga commuter sa Metro Manila.

Maglalagay din ang DOTr ng karagdagang seguridad sa pamamagitan ng pagtaas ng bilang ng Philippine National Police (PNP) sa mga estasyon ng tren ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sa panahon ng holiday season.

“Ang kautusan po ng ating Pangulo na pailawan ang 13 stations ng MRT-3. Hindi pa po ito nangyayari sa kasaysayan ng MRT-3. Sa iba maaariing ito ay simpleng proyekto, pero kadalasan ang ganitong simpleng proyekto—ito po ay mas lalong nagbibigay ng makabuluhang epekto sa ating mamamayan,” sabi ng Transport Secretary Giovanni Lopez.

Samantala, suportado ni PNP chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr ., ang panawagan para sa mas ligtas na mga transportation hub at siniguro na ang kapayapaan at kaayusan ay pananatili sa mga rail lines.

Nauna nang nagsagawa ng joint inspection ang DOTr at DPWH para sa pagsisikap na gawing mas accessible at commuter friendly ang EDSA.

Ayon kay Lopez, ang kasalukuyang lighting systems ay makakatulong na mailawan ang mga kalsada sa buog MRT -3 na sakalwa ang kahabaan ng EDSA mula Taft Avenue sa Pasay hanggang North Avenue sa Quezon City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here