MANILA, Philippines – Umaabot na sa P10 milyong halaga ng mga smuggled frozen meat at products ang nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at Department of Agriculture o DA sa naganap na pagsalakay sa dalawang bodega sa San Rafael Village sa Navotas City.
Sa inisyal na pagsusuri ng CIDG at DA sa mga smuggled products, nasa P10 million na ang halaga ng mga karne at isda na nasa cold storage facility.
Anila, posible pang madagdagan ang halaga ng mga produkto kapag natapos ang imbentaryo.
Ayon kay Dr. Randy Lontoc, pinuno ng National Meat Inspection Service, walang kaukulang dokumento ang mga frozen products na nagmula pa sa mga bansang Brazil, China at Thailand.
Aniya, bukod sa unsanitary ang pinag-imbakang bodega ay masangsang na rin ang amoy ng mga isda at karne. Merly Duero