Home NATIONWIDE Flight restriction sa eroplano malapit sa Mayon, pinalawig ng CAAP

Flight restriction sa eroplano malapit sa Mayon, pinalawig ng CAAP

329
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight restriction sa mga eroplano malapit sa Bulkang Mayon dahil sa nagpapatuloy na volcanic activity nito.

Ito ang inanunsyo ng CAAP kasunod ng pag-iisyu ng bagong Notice to Airmen (Notam) na nagbabawal sa mga flight malapit sa Bulkang Mayon na may vertical limit na hanggang 11,000 feet hanggang alas-9 ng umaga ng Biyernes, Disyembre 12.

Karugtong ito ng naunang Notam na nagbabawal sa mga flight malapit sa Bulkang Mayon simula noong Miyerkules.

“Flight operators are advised to avoid flying close to the volcano, which remains under Alert Level 1 or low-level unrest,” ayon sa Caap.

Kamakailan ay ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang “increased chances of volcanic hazards” sa Bulkang Mayon kasunod ng obserbasyon ng bagong lava flow noong nakaraang linggo.

Ang mga bantang ito ayon sa Phivolcs ay kinabibilangan ng biglaang steam o phreatic explosions, rockfall, at lahar flows kapag malakas ang ulan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here