Home HOME BANNER STORY Anti-dynasty bill mapanlinlang, maraming butas – minority solons

Anti-dynasty bill mapanlinlang, maraming butas – minority solons

338
0

MANILA, Philippines – Tinawag ng ilang miyembro ng Kamara na nag-akda ng anti-political dynasty bills na ‘misleading’ at maraming butas ang bersyon ng panukala na inihain ni House Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Nasa kabuuang 13 panukala ang nakahain sa Kamara para tukuyin at ipagbawal ang political dynasties.

“Sa unang tingin, the proposed bill seems reasonable since ang ideya ay isa-isa lang ang pwedeng umupo per elective position or position level outlined in the bill. But not really,” pahayag ni Deputy Minority Leader at ML Party-list Rep. Leila de Lima.

Ani De Lima, ang House Bill No. 6771 ni Dy at Marcos ay naglilimita lamang ngunit hindi nagbabawal sa political dynasty.

“Paano kung sa lahat o majority sa anim na elective positions from the National to the barangay level, may galing sa iisang pamilya na sabay-sabay tumakbo at nanalo? Malinaw na political dynasty pa rin yun, a fat political dynasty,” ani de Lima.

Inilarawan din ng Makabayan Bloc, binubuo nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, at Kabataan Party-list Rep. Renee Co, ang panukala na kapos at mapanlinlang.

“Lubhang kapos at mapanlinlang ang bagong panukalang batas kaugnay ng mga political dynasties dahil nililimithan lang nito ang pagsasabay ng mga magkakamag-anak sa parehong national at local positions pero maaaring magkaroon pa rin ng mga magkakamag-anak basta iba-iba ang pusisyong tatakbuhan nila… Malabnaw na nga, inaasahan pang lalabnaw pa ito kapag sinalang na sa deliberasyon. Hindi tayo dapat makuntento sa ganitong panukala,” saad sa pahayag ng Makabayan Bloc.

Ayon kay Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice ng Caloocan City, maaari pang mapalakas ng panukala ang political dynasty.

“Under their proposal, a family can have five sitting officials, public officials simultaneously. One senator, for example, one congressman, one governor, one mayor, and one barangay captain. At yung barangay captain, ‘pag na-elect pa na Liga President, magiging councilor pa ‘to o kaya provincial board member. So it’s not an anti-political dynasty bill. It’s a bill that legitimizes the existence of political dynasties. And I think it is against the provisions of Article 2, Section 26 of the 1987 Constitution,” ayon kay Erice sa isang panayam. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here