MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Biyernes, Disyembre 12 na posibleng bumagsak ang debris ng Long March 12 rocket ng China sa dagat malapit sa Puerto Princesa, Palawan at Tubbataha Reef Natural Park.
Sa abiso, sinabi ng PhilSA na ang rocket debris ay inaasahang babagsak sa mga sumusunod na lugar:
23 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan
21 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park
Ayon pa sa PhilSA, ang Long March 12 rocket ay inilunsad mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan bandang alas-7 ng umaga.
Inilabas ang impormasyon sa drop zone ng rocket sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NOTAM) para alertuhin ang aircraft operators tungkol sa “aerospace flight activity.”
Bago ang rocket launch, ipinakalat na ng PhilSA ang pre-launch advisory sa mga lokal na pamahalaan.
Hindi naman inaasahang babagsak sa anumang landmass o populated location ang mga debris ng Chinese rocket. RNT/JGC