Home NATIONWIDE PBBM tiniyak, SUCs ‘di pababayaan ng gobyerno

PBBM tiniyak, SUCs ‘di pababayaan ng gobyerno

221
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi pinababayaan ng gobyerno ang mga State universities and colleges (SUCs).

Sa pinakabagong episode ng kanyang BBM Podcast, tinanong kasi ang Pangulo ukol sa alokasyon ng pondo ng gobyerno para sa mga SUCs.

“Well, first of all, hindi napapabayaan ang SUCs. The budget for the maintenance and the continued operation of our SUCs is P185 million,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“So we’re not, hindi natin sinasabi that we’re not attending to the SUCs. The rest of the funding is going to go to talagang primary. Parang para kang nagpapatayo ng bahay. ‘Yung pundasyon natin napakahina eh. Na-neglect natin yung education napakatagal,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ng Pangulo na naglaan ang gobyerno ng pondo para sa konstruksyon at pagkukumpuni ng mga silid-aralan at maging bilang suporta para sa mga guro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here