Home NATIONWIDE Kauna-unahang fully air-conditioned public school binuksan sa Laguna

Kauna-unahang fully air-conditioned public school binuksan sa Laguna

305
0

MANILA, Philippines – Binuksan ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang fully air-conditioned public school building sa San Pedro, Laguna.

Ayon sa DepEd, ang four-storey building ng Pacita 2 Elementary School ay bahagi ng nagpapatuloy nitong hakbang para i-upgrade ang mga learning space sa buong bansa.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang pinabuting kondisyon ng mga silid-aralan ay makatutulong sa pagpapabuti ng pag-aaral ng mga estudyante dahil apektado ng ginhawa at school environment ang academic performance ng mga ito.

Idinagdag pa niya na layon ng DepEd na ipagpatuloy ang infrastructure improvements bilang bahagi ng modernisasyon sa mga pampublikong paaralan.

Ani Angara, nagsisikap ang kagawaran na tugunan ang nationwide classroom backlog sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan katulad ng mas mabilis na construction methods, local government partnerships, leasing arrangements, at kolaborasyon sa pribadong sektor.

Samantala, naghihintay na ang DepEd sa final approval ng 2026 national budget.

Kabilang sa bersyon ng Senado ng General Appropriations Bill ang P85.44 bilyon para sa Basic Education Facilities, na layong suportahan ang konstruksyon ng mga klasrum, repair at upgrade.

Nilahukan ang ribbon cutting ng naturang gusali ng mga lokal na opisyal at representative ng DepEd.

Ayon sa school administrators, mahigit 6,000 estudyante ang makikinabang sa pinabuting learning conditions na pawang mga naka-enroll sa Pacita 2 Elementary School. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here