Home SPORTS Mixed Novice Masters crown sinungkit ni Gonzalez sa Remate Open 

Mixed Novice Masters crown sinungkit ni Gonzalez sa Remate Open 

267
0
NOVICE STARS - Pinarangalan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda, sa awarding ceremony na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City, ang mga nagwagi sa Mixed Novice Masters ng 2nd Remate Open Championships sa pangunguna ng nagkampeon na si PTBDA Lorenzo Gonzales kasama sina 1st runner-up PTBA-Henrich star Marvin Sia, SLETBA Jonas Maronilla (2nd runner-up), John Sevilla ng PTBA (4th runner-up) at 5th runner-up (PTBA Henrich) Mervin Sia.REY NILLAMA

Nasungkit ni Lorenzo Gonzales ang kampeonato sa Mixed Novice Master Division sa katatapos na finals ng 2nd Remate Open Championships na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Nagtagumpay si Gonzales mula sa PTBDA na makuha ang titulo matapos umiskor ng 1,341 na may na 106 puntos na kalamangan kumpara sa nagwagi bilang 1st runner-up na si Marvin Sia na umiskor ng 1,235.

Ayon kay Gonzales, pinagbutihan niya talaga ang laban dahil gusto niyang masungkit ang titulo na may kaakibat na P30,000 na cash prize at napakagandang champion trophy na iginawad ni Remate Bowlers Club/ Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Sia (PTBA Henrich)  na umiskor ng 1,235, na ginawa niya ang lahat ng kanyang magagawa pero masaya na rin siya sa 1st runner-up position.

Tinanggap ni Sia mula kay Antiporda ang P15,000 cash prize at isang napakandang trophy.

Nagtapos na 2nd runner-up si Jonas Maronilla (SLETBA) at nag-uwi ng premyong P8,000 at isang trophy.

Hindi rin nagpahuli sina John Sevilla ng PTBA (4th runner-up) , at Mervin Sia ng PTBA-Henrich (5th runner-up) na nagbulsa ng P5,000 at P4,000 cash prize at trophy, ayon sa pagkakasunod sunod.

Nasiyahan si Antiporda sa magandang pagtatapos ng kumpetisyon na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  at sinabing layunin nilang mapasikat at mapalakas ang larong bowling sa bansa bukod sa makadiskubre ng mga manlalarong pwedeng itapat sa mga local at international competition.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here