Home NATIONWIDE 3 tulak nalambat, P2.1M tobats nasabat sa Parañaque buy-bust ops

3 tulak nalambat, P2.1M tobats nasabat sa Parañaque buy-bust ops

281
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police na nakuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,108,000 Miyerkules ng gabi, Disyembre 10.

Base sa report na isinumite ni Parañaque City police chief P/Col. Nicolas S. Piñon kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Y. Arceo ay nakilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Olrac, 31, isang high value individual (HVI); alyas Rowelle, 27, at isang alyas Francis, 43, na kapwa tinaguriang mga street level individual (SLI).

Ayon kay Piñon, nadakip ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU bandang alas 10:45 ng gabi sa Unit 2908, 3rd Floor, Aguarra Street, Baragay Baclaran, Parañaque City.

Sinabi ni Piñon na bukod sa pagkakaaresto ng mga suspek ay narekober din sa kanilang posesyon ang tatlong knot-tied plastic packs na naglalaman ng 310 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,108,000; itim na pouch, cellular phone, at ang P1,000 marked money na nakapaibabaw sa pitong piraso ng tig-P1,000 bogus money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng SDEU ang mg suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

“This operation is a clear message that the Southern Police District is relentless in its campaign to dismantle drug networks operating within our jurisdiction,” ani Arceo. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here