Home NATIONWIDE Shabu, armas at granada nakumpiska sa tulak sa Antipolo

Shabu, armas at granada nakumpiska sa tulak sa Antipolo

248
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang high-level na tulak matapos makumpiskahan ng nasa 50 gramo ng shabu, armas, at isang granada sa ikinasang buy-bust operation nitong Huwebes, Disyembre 11, sa Antipolo City, Rizal.

Sa report nitong Biyernes, sinabi ng Police Region 4A na ang suspek na kinilalang si alyas “Bitoon,” ay naaresto matapos magbenta ng P8,000 halaga ng shabu sa undercover pulis sa Marcos Highway sa Barangay Inarawan alas-9 ng gabi.

Narekober ng mga operatiba ang 11 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P340,000.

Sa routine frisk, nakumpiska rin ng pulisya ang isang improvised shotgun pistol na kargado ng apat na bala at isang granada.

Nakuha rin ang motorsiklo na ginagamit ng suspek sa illegal na aktibidad.

Tinukoy si Bitoon bilang high-value individual.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagkukunan ni Bitoon ng suplay ng shabu.

Nananatili sa detention ang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at illegal possession of a firearm and an explosive. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here