MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa nang maaresto sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, nakatala ang 19-anyos na akusado bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person sa Caloocan CPS, No. 2 sa TTMWP sa NPD at No. 8 TTMWP naman sa NCRPO.
Nang maglabas ng warrant of arrest ang Caloocan City Regional Trail Court (RTC) Branch 131, para sa kasong rape laban sa akusado, agad ipinag-utos ni Col. Goforth ang malawakang pagtugis sa kanya.
Ala-1:00 ng hapon nang tuluyang makorner ng tumutugis na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan CPS ang akusado sa Villa Emelda, Camarin, Barangay 178, ng lungsod.
Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte na nag-isyu ng warrant. Merly Duero