MANILA, Philippines – Hinimok ng Deparment of Health -Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang mga kabataan na umiwas sa maling kaugalian at gawain kaugnay sa pagkain at kaligtasan ng kalusugan ngayong holiday season.
Sa paglulunsad ng Ligtas Christmas 2025 sa Malinta National High School sa Valenzuela, ibinahagi ng DOH na nakitaan ng pagtaas ng holiday heart syndrome symptoms, insidente ng road crashes at firecracker-related injuries sa buong bansa.
Sa datos mula sa DOH-MMCHD sa 4th Quarter ng 2024, nagpakita ng sumusunod na datos para sa National Capital Region.
– 50,502 adults na may panganib sa hypertension
– 16,279 adults na may Type 2 diabetes
– 110,613 adults na obese
– 37,936 adults na binge drinkers
– 25,577 adults na smokers
Nakapagtala rin ang ahensya ng 422 firecrackers-related injuries sa rehiyon mula Disyembre 21,2024 hanggang Enero 6, 2025 na 31% na mas mataas kaysa sa mga kaso noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ng programa na Ligtas Christmas 2025 ang tatlong pangunahing komponente para sa isang ligtas at mas malusog na holida season; tamang pagkain, kaalaman sa kalsada, at pag-iwas sa paputok.
Isinusulong ng programa ang mga tamang gawi sa pagkain, responsableng pag-inom at mga gawi sa road safety. Jocelyn Tabangcura-Domenden