Manila, Philippines – Iniintriga ng kibitzers ang kumalat na litrato ni Cristine Reyes kasama ang kanyang boyfriend.
Sa nasabing photo, makikitang nakasuot ng shirt si Cristine ng kanyang inendorsong kandidatong senador samantalang ang kanya namang dyowang si Gio Tiongson ay dinadala ang banner ng karibal na partido.
Dahil dito, marami ang napapataas ang kilay sa ganitong klaseng eksena.
Kumbaga, pinagbuklod nga sila pero magkaiba ang mundo.
Anyway, may nagtanggol naman sa kanila na in the end, sa pulitika, walang color na nagwawagi kundi ang paniniwalaan ng puso.
Ito ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa kanilang kumalat na pic.
“Kaloka. Magkaiba sila ng partido and yet nagkakasundo sila.”
“Kontropelo, hehe.”
“Puwede naman iyon. Iyong iba nga, may mga magdyowang DDS at dilawan. Hindi naman isyu sa mga taong inlababu ang political color.”
“Akala ko ba nagkaroon na ng character development si ghurl?”
“Sa akin lang ito. Parang hindi ko ma-take ang i-date ang isang taong iba ang values sa akin.”
“Naku, maghihiwalay din iyan.”
“Buti, hindi nila pinag-aawayan ang pulitika.”
“Sana, i-convert siya noong guy.”
“Love is love. Pero for sure, hindi naman nawawala ang contradiction.”
“Puwede naman iyon. My mom is a DDS. Pero hindi naman pinag-uusapan ang politics but we get along well.”