Manila, Philippines -Sa layong maipatupad ang transparency at walang makalusot na korapsyon, isang panukalang batas ang isinulong ni Negros Occidental 3rd District Rep. Javier Miguel ( Javi ) Benitez na magpapatupad ng transparency at pananagutan sa pambansang badyet .
Base sa inihaing House Bill (HB) 6761, lilikhain ang government hub para dito ilagay ang mga impormasyon at Verified Expenditures ( G-HIVE).
Paliwanag ni Benitez na ang panukalang batas ay may mandato para sa lahat ng dokumento sa pambansang badyet kabilang ang pagplaplano, paggawa ng batas, pagpapatupad, procurement at rekord ng audit para tiyakin ang seguridad nito at maa-access ng publiko sa digital portal.
Sa pamamagitan nito maiiwasan ang pagsisingit ng pondo.
Sakaling mapagtibay bilang batas, ang mga ahensya ng gobyerno ay oobligahing i-upload ang mga dokumento ng kanilang mga gastusin sa loob ng 7 araw na working days at maglabas na nakumpleto na ang anomang proyeko sa pamamagitan ng maayos na “machine readable formats’ na ginamitan ng tamper resistant na teknolohiya upang maiwasan ang manipulasyon.
Gayundin, imo-monior naman ng council ang pagtalima, pagpapatupad ng mga pamantayan at irerekomenda rin ang naging pagbuti sa mekanismo ng transparency sa pambansang gobyerno. RNT