Home OPINION DOTr MAY LIBRENG SAKAY SA MRT-3 AT LRT-1, 2 AT 3 PARA...

DOTr MAY LIBRENG SAKAY SA MRT-3 AT LRT-1, 2 AT 3 PARA SA IBA’T IBANG SEKTOR

311
0

BILANG regalo sa mga mananakay at para makabawas sa gastusin, inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng libreng sakay sa MRT-3, sa LRT-1, at LRT-2, sa iba’t ibang sektor mula Disyembre 14 hanggang Disyembre 25, 2025.

Ayon kay acting Secretary Giovanni Lopez, ang hakbang ay bilang pasasalamat ng Marcos administration sa mga sek­tor na nagbibigay-buhay at pagseserbisyo sa bansa.

Narito ang mga kaukulang sektor na libre ang pamasahe mula sa unang biyahe hanggang sa huling biyahe ng tren:

– December 14, 2025 – Senior citizens

– December 15, 2025 – Mga estudyante

– December 16, 2025 – OFWs at kanilang pamilya

– December 17, 2025 – Mga guro at healthcare workers

– December 18, 2025 – Persons with Disabilities (PWDs) at mga kalalakihan

– December 19, 2025 – Government employees

– December 20, 2025 – Mga kababaihan

– December 21, 2025 – Mga pamilya

– December 22, 2025 – LGBTQIA community at solo pa­rents

– December 23, 2025 – Private sectors employees at mga kasambahay

– December 24, 2025 – Uniformed personnel, veterans at kanilang pamilya

SA DECEMBER 25, 2025 AY LIBRE SA LAHAT NG MANANAKAY.

Pagbibigay-diin ng DOTr, hin­di lamang ito simpleng pamaskong handog kundi isa itong paraan upang itaas ang morale ng mga sektor na nakipagsapalaran sa gitna ng hamon ng ekonomiya, magbigay-ginhawa sa mga pasahero ngayong panahon ng pagdagsa ng biyahe, ipakita ang pagpapahalaga sa serbisyo ng mga frontliners, manggagawa, at ordinaryong Filipino, at hikayatin ang paggamit ng mass transportation, bilang bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan para sa sustainable mobility.

Kailangan lamang magpakita ng valid ID bilang patunay ng pagkakabilang sa sektor na may schedule ng free ride.

Ipinangako ng DOTr na pa­tuloy nitong pagagandahin ang karanasan ng mga pasahero, kabilang ang mas maraming lighting upgrades, mas ligtas na stations, at mas mabilis na serbisyo sa riles.

Batay sa datos, mahigit ku­mulang 375,000 ang sumasa­kay sa MRT-3, habang sa LRT-1 ay nasa 460,000 at sa LRT-2 ay may 200,000.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here