Home METRO Babaeng wanted sa human trafficking, arestado sa Taguig

Babaeng wanted sa human trafficking, arestado sa Taguig

294
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang 38-anyos na babae na nahaharap sa apat na kaso ng human trafficking sa Taguig City noong Disyembre 13.

Kinilala ang suspek bilang Apple Lyn, residente ng Barangay Calzada Tipas, Taguig, at itinuturing na No. 4 Most Wanted Person ng Taguig Police para sa buwan ng Disyembre.

Siya ay naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Taguig Police sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas noong Disyembre 9 ni Judge Byron San Pedro ng Taguig Regional Trial Court Branch 15, na isang Family Court. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nahaharap ang suspek sa dalawang kaso ng qualified trafficking in persons at dalawang kaso ng trafficking in persons, paglabag sa Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, kaugnay ng RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009) at RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang suspek at dinala sa Taguig-Pateros District Hospital para sa pisikal at medikal na eksaminasyon bago siya tuluyang ikulong.

Pinuri ni Brig. Gen. Randy Arceo, direktor ng Southern Police District, ang Taguig Police sa matagumpay na operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here