CALOOCAN, Philippines – Sumiklab ang sunog Sabado ng gabi sa isang residential area sa Caloocan City, na nagdulot ng makapal na usok sa lugar.
Nagsimula ang apoy sa Zapote Street sa Barangay Bagong Barrio bandang alas-9 ng gabi, kaya agad na nag-deploy ang mga firefighting crews mula sa kalapit na outposts.
Ayon sa mga social media posts, nakontrol ang sunog bandang hatinggabi.
Wala pang ulat mula sa awtoridad tungkol sa mga nasaktan o halaga ng pinsalang naidulot ng sunog. RNT/MND