MANILA, Philippines – Inihayag ng isang mambabatas na hindi bababa sa P13 bilyon mula sa P60 bilyong inilipat mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) noong 2024 ay ginamit bilang government counterpart funding para sa foreign-assisted projects (FAPs). Pinagusapan ito ng Kongreso kung paano maibabalik sa state insurer.
Ayon kay Rep. Albert Garcia, matapos ibalik sa national treasury ang pondo base sa special provision ng 2023 General Appropriations Act, ang pinakamalaking bahagi na P27.45 bilyon ay ginamit para sa COVID-19 public health emergency benefits at allowances para sa healthcare at non-healthcare workers.
P10 bilyon naman ay idinagdag sa kontrobersyal na medical assistance program ng Department of Health (DOH) para sa indigent at financially incapable patients.
Tinukoy ni Sen. Imee Marcos ang P13 bilyong ginamit sa FAPs at kinwestiyon kung bakit ang perang pangkalusugan ay napunta sa infrastructure projects. Hiniling niya na maglabas ng detalyadong ulat ang PhilHealth at pabilisin ang pagpapalawak ng benefit packages tulad ng zero-balance billing at coverage sa high-cost illnesses.
Ipinahayag ni Garcia na hihilingin nila ang detalyadong breakdown sa PhilHealth at paglilinaw kung paano susundin ang desisyon ng Korte Suprema sa mga susunod na pondo.
Ang natitirang bahagi ng P60 bilyon ay ginamit sa procurement ng medical equipment para sa mga ospital ng DOH, LGU-run facilities, at primary health centers (P4.1 bilyon); tatlong DOH facilities (P3.37 bilyon); at health facilities enhancement program ng DOH (P1.69 bilyon).
Noong nakaraang linggo, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang special provision ng 2024 budget law at circular ng Department of Finance na ginamit para ibalik ang P60 bilyon mula sa “excess” PhilHealth funds na umaabot sa P89.9 bilyon. RNT/MND