MANILA, Philippines – Ayon sa bagong pagsusuri ng World Health Organization (WHO), walang kaugnayan ang bakuna sa autism, taliwas sa mga maling teoryang kumakalat sa Estados Unidos.
Sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa Geneva na base sa 31 pag-aaral sa loob ng 15 taon, kabilang ang mga bakuna na may thiomersal at aluminium adjuvants, walang ebidensya ng sanhi ng autism mula sa bakuna. Ito na ang ika-apat na pagsusuri ng ebidensya, kasunod ng mga review noong 2002, 2004, at 2012, at lahat ay nagkonklusyon na ang bakuna ay hindi nagdudulot ng autism.
Ang maling ugnayan sa pagitan ng MMR vaccine at autism ay nagmula sa isang flawed na pag-aaral noong 1998 na kalaunan ay inaalis dahil sa pekeng datos. Gayunpaman, patuloy pa rin ang maling paniniwala sa publiko.
Binanggit ni Tedros na ang bakuna ay nakatulong sa pagbawas ng under-five mortality mula 11 milyon noong 25 taon na ang nakalipas hanggang 4.8 milyon ngayon. “Ang bakuna ang isa sa pinakamakapangyarihang imbensyon sa kasaysayan ng sangkatauhan. Nakakaligtas ito sa buhay mula sa 30 iba’t ibang sakit,” ani Tedros, kabilang ang measles, cervical cancer, at malaria. RNT/MND