Home SPORTS Pagdalaw ni Messi sa India, nagdulot ng kaguluhan 

Pagdalaw ni Messi sa India, nagdulot ng kaguluhan 

238
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng malaking kaguluhan ang pagdalaw ni Lionel Messi sa Salt Lake Stadium  sa India noong Sabado matapos magwala ang mga tagahanga na hindi nasiyahan sa kanyang maikling pagpapakita.

Ayon sa ulat, libu-libong tagahanga ng sikat na football star, na nagbayad ng hanggang 12,000 rupees (tinatayang $133), ang dumating upang masilayan ang sikat na football star ng, ngunit nadismaya nang makita nilang naglakad lamang si Messi sa paligid ng pitch, at natakpan pa siya ng maraming opisyal at celebrity.

Matapos ang 20 minutong paglabas ni Messi, agad siyang kinuha ng security, na nagpatindi ng galit ng  mga tagahanga.

Dito na sumiklab ang gulo ng ilan sa mga fans ang nagsimulang mag-amok sastadium, sumugod sa pitch, nagwasak ng mga banner at tents, at nagtapon ng plastic na upuan at mga bote ng tubig.

Ipinahayag ng Chief Minister ng West Bengal na si Mamata Banerjee ang kanyang pagkabigla at paglulungkot sa insidente, at nagtakda ng isang imbestigasyon.

Agad naman itong humingi ng paumanhi kay Messi at sa mga tagahanga ng sports sa nangyaring aberya.

Ayon sa tagapagsalita ni Messi,  natupad niya ang kanyang napagkasunduang oras, at iniiwasan na magbigay ng karagdagang pahayag ukol sa organisasyon ng event,

Agad namang inaresto ng mga otoridad ang organizer ng event,  ngunit wala pang karagdagang detalyeng ibinibigay.

Nabatid na ang pagdalaw ni Messi sa India ay bahagi ng kanyang “GOAT Tour” na naglalayong magsagawa ng mga promotional event sa Kolkata, Hyderabad, Mumbai, at Delhi.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here