Home NATIONWIDE Remittances ng mga overseas Pinoy noong Oktubre tumaas

Remittances ng mga overseas Pinoy noong Oktubre tumaas

275
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang mga remittance na ipinapadala ng mga overseas Filipino noong Oktubre bagamat mas mabagal ito, kasunod ng five-month high na naitala noong Setyembre, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Lunes, Disyembre 15.

Ang cash remittances o money transfers na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels sa nasabing buwan ay nasa $3.171 billion, o pagtaas na 3.0% mula sa $3.079 bilyon sa kaparehong buwn noong nakaraang taon at bahagyang mas mataas din sa $3.121 billion noong Setyembre.

Sa kabila nito ay bumagal ang paglago mula sa 3.7 percent na naitala noong Setyembre na pinakamataas sa limang buwan mula noong Abril 2025 kung saan ang inflows ay lumago ng 4.0%.

Nagdala ito sa year-to-date cash remittances sa $29.202 billion, o 3.2% na pagtaas mula sa $28.304 billion sa comparable period noong 2024.

Nananatiling pinakamataas na source ng inflows ang Estados Unidos sa 40.3%, sinundan ng Singapore sa 7.2%, Saudi Arabia sa 6.4%, Japan sa 4.9%, at United Kingdom sa 4.7%.

Sinundan naman ito ng United Arab Emirates sa 4.5%, Canada sa 3.5%, Qatar sa 2.9%, Taiwan sa 2.8%, at South Korea sa 2.5%. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here