Home HOME BANNER STORY Dizon ‘di tatakbo sa 2028 polls: I’m not a politician

Dizon ‘di tatakbo sa 2028 polls: I’m not a politician

270
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ni Public Works Secretary Vince Dizon ang panawagan na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon sa 2028 national elections kasabay ng pagsasabing hindi siya politiko.

Sa isang panayam sa ANC, sinabi ng kalihim na ang pagtakbo niya sa halalan ay hindi mangyayari.

Aniya, paulit-ulit na niyang sinabi na hindi siya politiko kundi trabahante.

“I am just an employee that has been working in and out of government for the last 28 years, that’s all I do,” sabi ni Dizon.

Ayon pa sa kalihim, gusto niyang bumalik sa pribadong sektor matapos ang kanyang termino bilang kalihim ng DPWH.

“But if I am asked to serve, I will always say yes to serve,” saad pa niya.

“Running for public office, it’s not me, I’m not a politician. I’ll just do my job,” dagdag pa ni Sec. Dizon.

Si Dizon ay nakatanggap ng positibong feedback sa social media para sa kanyang trabaho bilang miyembro ng Gabinete ng administrasyon lalo na sa panahon ng kanyang termino bilang DOTR secretary.

Ngunit aniya, hindi siya nag-aalala kung ang publiko ay nagsasabi ng mabuti o masama tungkol sa kanya dahil ang kanyang trabaho ay hindi upang sang-ayunan ng mga tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here