Home HOME BANNER STORY Lisensya ng mayabang na drayber na nanakit ng lalaking nagtutulak ng kariton,...

Lisensya ng mayabang na drayber na nanakit ng lalaking nagtutulak ng kariton, sinuspinde ng LTO

299
0

MANILA, Philippines – Pinatawan ng 90-day suspension ng driver’s license ng Land Transportation Office ang drayber na sangkot sa pananakit ng isang lalaking nagtutulak ng kariton.

Ayon sa LTO, ang video na kumalat nitong Linggo, Disyembre 14 ay nagpapakita ng drayber ng isang Toyota Hilux na kinokompronta ang nagtutulak ng kariton saka sinaktan at binatukan.

Kasama pa ng nagtutulak ng kariton ang anak nito na makikitang walang tigil sa pag-iyak matapos ang tensyon.

Dahil dito, hindi lamang suspensyon ng lisensya ang matatanggap ng drayber kundi maging ang show-cause order para humarap ito sa LTO Intelligence and Investigation Division at ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat panatugin sa pagiging isang “improper person to operate a motor vehicle.”

“Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao strongly condemned the driver’s assault on a father and his young daughter, who were pushing a cart that hit the white Toyota Hilux,” ayon pa sa pahayag.

Nangako naman si Lacanilao ng hustisya kasunod ng insidente.

“The agency will not tolerate this kind of behavior on the road. If the allegations in the video are true, the driver must be held accountable. We assure the public that we will bring this incident to justice,” saad sa pahayag ni Lacanilao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here