MANILA, Philippines – Ipinanukala sa House Resolution No. 583 ni Gabriela Party-list Rep. Sarah Jane Elago na pagkalooban ng clemency si Filipinang drug convict Mary Jane Veloso, na kinikilala bilang biktima ng human trafficking.
“Ang pagbibigay ng clemency ay hindi pagbalewala sa batas. Isa itong makataong hakbang na malinaw na kinikilala ng ating Saligang Batas. May kapangyarihan at may pananagutan si President Marcos Jr. na itama ang isang malinaw na inhustisya,” ani Elago.
Si Veloso, na nahatulan sa Indonesia noong 2010 at unang pinatawan ng death penalty, ay nakatanggap ng commutation noong 2015 at nakabalik sa Pilipinas noong 2024 upang tapusin ang kanyang sentensiya sa bansa.
Nanawagan si Elago para sa clemency: “Patuloy pa rin ang pagpapanawagan ng mamayanan katuwang ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kaanak na magkaroon na ng pag gawad ang Malacañang ng clemency para kay Mary Jane Veloso.”
Noong Nobyembre, humiling ang mga magulang ni Veloso ng habeas corpus, na nagsasabing walang legal na batayan ang kanyang detensyon sa Pilipinas. Ayon sa Malacañang, tinitingnan nila bilang positibong hakbang ang apela para sa ganap na clemency. RNT