Home NATIONWIDE US, Canada kinondena pagbomba ng tubig ng Tsina sa mga mangingisdang Pinoy

US, Canada kinondena pagbomba ng tubig ng Tsina sa mga mangingisdang Pinoy

259
0

MANILA, Philippines – Kapuwa kinondena ng Estados Unidos at Canada ang paggamit ng Tsina ng water cannons at pagputol sa anchor lines ng mga Pilipinong mangingisda malapit sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea. Ang aksyon ng Tsina ay naglagay sa panganib sa mga sibilyan na nangingisda para sa kanilang kabuhayan.

Sinabi ni US Department of State Principal Deputy Spokesperson Thomas Pigott, sa isang kalatas noong Lunes, “The US stands with the Philippines as they confront China’s provocative actions and increasingly dangerous tactics against its neighbors, which undermine regional stability.”

“These aggressive actions endangered Filipinos fishing for their livelihoods,” ayon sa pahayag ni Pigott.

Ayon naman kay U.S. Ambassador MaryKay Carlson, ang mga aksyong ito ay nagbabanta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Pinuri naman ng U.S. ang Philippine Coast Guard sa pagtulong sa mga mangingisda at sa pagtatanggol ng soberanyang karapatan ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na ang Canada ay “seriously concerned by the Chinese Coast Guard’s (CCG) aggressive actions against Filipino civilian fishing vessels near Sabina Shoal.”

“These actions jeopardize regional peace and stability. Disputes must be resolved peacefully and in accordance with international law,” ang ipinost ni Pigott sa kanyang X account.

Matatandaang tatlong Pilipinong mangingisda ang nasugatan matapos atakihin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese maritime militia ang mga bangka ng Pilipino gamit ang water cannon at delikadong blocking maneuvers malapit sa Escoda Shoal sa loob ng Philippine exclusive economic zone noong Disyembre 12. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here